Tumanggap umano ng suhol si Justice Sec. Leila De Lima mula kay Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu na umaabot sa P5 milyong monthly allowance.
Ito ang nakapaloob sa complaint affidavit ni Jerammy joson, ang dating testigo nina Atty. Nena Santos at Mangudadatu sa umano’y suhulan kina DOJ USec. Francisco Baraan III at iba pang public prosecutors para maikumpromiso ang Maguindanao massacre case.
Sa ika-apat na pahinang affidavit ni Joson kaugnay ng kasong serious illegal detention na isinampa nito sa Pasay City Prosecutors Office nitong noong Mayo 15, nakasaad dito na kaya hindi siya makapagsampa ng reklamo noon dahil sa nangangamba siya sa kanyang kaligtasan at mabalewala lamang ang kanyang reklamo dahil sa bukambibig ni Atty. Santos na kakampi nila si De Lima dahil kaibigan ito ni Atty. Santos at kumukubra ito ng P5 milyong allowance kada buwan mula sa gobernador.
Subalit nitong nakalipas na buwan lamang ay binawi ni Joson ang kanyang mga pahayag kung saan ibinunyag nito na kaya lamang niya inihayag sa media ang mga gawa-gawang istorya alinsunod na rin sa kumpas nina Atty. Nena Santos, atty Gemma Oquendo. at Gov. Manguddadatu.
By Meann Tanbio