Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na positibo siya sa COVID-19.
Ipinaabot ng Kalihim ang impormsyon ilang araw matapos magpositibo rin sa virus ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Pero ayon kay Remulla, mild na sintomas lang ang kaniyang nararanasan.
Present si Remulla sa unang cabinet meeting ni Pangulong Marcos noong July 5, bago ito magpositibo sa sakit.