Naalarma ang mga kawani ng DOJ dahil sa balitang naisugod sa ospital si Justice Secretary Menardo Guevarra dahil nahihirapan umano itong huminga.
Kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento ang naturang balita, subalit wala parin siyang impormasyon kung ano ang situwasyon ngayon ng kalihim.
Batay naman sa isa sa mga impormante na diumanoy biglang nahirapang huminga si Guevarra, kaya ito isinugod sa di pinangalanang ospital.
Samantala, kahapon ay pumasok pa ang kalihim at umalis rin ito ng Department of Justice (DOJ). —sa ulat ni Bert Mozo (Patrol 3), sa panulat ni Airiam Sancho