Sisimulan na ng DOJ o Department of Justice ang kanilang Continuous Justice System o ang pagsasanay sa mga taga-usig na hahawak ng kasong rebelyon laban sa mga nasa likod ng Marawi Siege.
Ito’y ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay kahit hindi pa nailalabas ng Korte Suprema ang desisyon nito hinggil sa kanilang apela na ilipat sa Metro Manila ang pagdinig laban sa mga nasampahan na ng kaso.
Tatlumpung taga-usig ang pipiliin ng DOJ para italaga sa dalawang panel of prosecutors na isasailalim sa nasabing pagsasanay kung saan, ipagbabawal ang mga pagpapaliban sa mga pagdinig maliban sa mga makatuwirang kadahilanan at pangangailangan.
Gagawin ang pagdinig tuwing makalawang araw at kung maaari ay magkaroon agad ng hatol ang korte sa loob ng 90 araw o tatlong buwan mula nang ito’y maideklarang submitted for resolution.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
DOJ sinasanay na ang mga taga usig na hahawak sa mga kasong rebelyon sa Marawi Siege was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882