Suportado ng Department of Justice o DOJ ang pagpasa ng panukalang batas na maglilinaw sa kahulugan ng raw sugar.
Ito’y para isulong na tanggalin ang ipinapataw na Value Added Tax ng Bureau of Internal Revenue o BIR para sa mga ito.
Ayon kay Justice Undersecretary Zabedin Azis, mahalagang malinawan ang lahat sa kahulugan ng raw sugar upang makatulong sa mga magsasaka ng tubo sa bansa.
Batay aniya sa umiiral na Internal Revenue Code, itinuturing na raw sugar ang mismong tubo na pinagkukunan ng asukal gayundin ang asukal na pula o mas kilala bilang tersyera at ang unrefined o mas kilala bilang Muscovado.
Ngunit ang mga produkto tulad ng Muscovado at brown sugar na nabibili sa merkado ay may naka-patong na VAT.
By: Jaymark Dagala