Tinapos na ng Department of Justice ang preliminary investigation sa kasong sydicated estafa laban sa mga may-ari ng One Dream Global Marketing na sina Arnel Gacer at Jobelle de Guzman.
Ito’y matapos na hindi sumipot sa pagdinig sa DOJ ang mag-asawa at maging ang isa sa mga miyembro ng management team na si Linda de Guzman para sana makapagsumite ng kanilang kontra-salaysay.
Dahil dito, idineklara ni Prosecutor Rohaira Lao na submitted for resolution na ang nasabing reklamo.
Kaugnay nito, inaasahan namang sa loob ng 60 araw ay makakapagpalabas na ng resolusyon ang DOJ kaugnay ng kasong syndicated estafa laban sa mga respondent.
By: Jelbert Perdez | Bert Mozo