Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) ang pagresolba sa mga nakabinbin pang petisyon kaugnay sa Dengvaxia cases.
Sinabi ito ng DOJ matapos ang pahayag ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na conflict of interest sa undersecretary na kumatawan sa isang akusado sa kaso.
Ayon sa DOJ, may mga umiiral pa ring patakaran at mekanismo para maiwasan ang conflict of interest na mahigpit na ipinapatupad ng DOJ.
Nilinaw naman ng DOJ na si Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, dating inakusahang bias ay lumayo na sa mga nakabinbing kaso na kaniyang hinahawakan.