Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) sa pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na hindi nila pinapabayaan ang kaso.
Ayon kay DOJ Undersecretary at Spokesperson Emmanuel Caparas, nakatutok ang DOJ prosecution team para mapanagot ang mga may sala sa naturang krimen.
Hindi aniya sila tumitigil sa pagsusulong at pag-usig sa mga respondents sa pangunguna ng mga Ampatuan.
Ang reaksyon ni Caparas ay kasunod na rin ng panawagan ng mga miyembro ng mamamahayag sa pangunguna ng National Press Club (NPC) na panagutin ang sinumang naging dahilan ng pagkabalam ng pag-usad ng kaso sa hukuman.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)