Tiniyak ng Department of Justice na makakatanggap ng patas na pagtrato si Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng muling pagliban ng Bise Presidente sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kaugnay sa pagbabanta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Gayunman, sinabi ni VP Sara na kaya hindi siya nagtungo sa NBI ay dahil nakikita niyang wala siyang makukuhang patas na pagtrato.
Para naman kay Justice Undersecretary Jesse Andres, labis siyang nalungkot sa ginawa ng pangalwanag pangulo na muling pang-i-isnab na tila ba may kinikilingan ang NBI.
Ngunit magpapadala pa rin aniya ang NBI ng sulat kay VP Sara dahil anumang imbestigasyon ng PNP at DILG ay mamamayagpag pa rin ang rule of law.