Nangako ang Department of Justice o DOJ na kanilang reresolbahin ang kaso ng pagkamatay ni UST Law student at hazing victim Horacio ‘Atio’ Castillo III bago matapos ang taon.
Ayon kay Assistant State Prosecutor Susan Villanueva, ang chairman ng prosecution panel sa nasabing kaso, posibleng magpalabas na sila ng resolusyon bago ang araw ng Pasko.
Giit ni Villanueva, kinakailangan na nilang resolbahin ang kaso sa loon ng 60 araw matapos ito maisampa.
Matatandaang naghain na ng reklamo ang Manila Police District o MPD sa DOJ laban sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity noong Setyembre 25 habang nagsumite na rin bng supplemental complaint ang mga magulang ni Atio noong Oktubre 9.
Nabatid na patuloy ang isinasagawang preliminary investigation ang DOJ panel kaugnay sa mga kasong inihain laban sa mga sangkot sa pagkamatay ni Atio.
—-