Inatasan na ng Department Of Justice ang team nito upang pag-aralan kung may batas na nagbabawal sa isang tao na magpa-booster shot matapos makakumpleto ng bakuna laban sa COVID-19.
Aminado si Secretary Menardo Guevarra na dapat suriing maigi ang mga batas upang mabatid ang mga nalabag ng dalawang indibidwal na nagpaturok ng 3rd dose ng ibang brand ng COVID vaccine sa magkaibang lungsod kahit fully vaccinated na ang mga ito.
Ayon kay Guevarra, kailangan din nila ang gabay ng medical information upang mabatid kung sapat ang bisa ng orihinal na pagbabakuna para ituring na iligal ang booster shot.
Una nang kinasuhan ng Quezon City government ang dalawang indibidwal, isa dito ay tauhan ng lokal na pamahalaan, na sinasabing nagpa-booster shot.—sa panulat ni Drew Nacino