Tiwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na mareresolba na sa lalong madaling panahon ang pagpaslang kay Manila Senior Assistant City Prosecutor Jovencio Senados.
Sinabi ni Guevarra na tuluy-tuloy ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpaslang kay Senados at umaasa siyang mareresolba kaagad ang kasong ito.
Si Senados aniya ay matagal na sa serbisyo at posibleng humawak na ng hazardous cases na naglagay sa kaniya sa matinding panganib.