Nakatakdang muling magpatawag ng pulong si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw upang talakayin ang problema ng mga immigration officers sa paliparan
Kasunod ito ng hinaing ng mga immigration officers dahil sa mga hindi nababayarang overtime pay na nagreresulta sa napakahabang pila ng mga pasahero
Kaugnay nito, umaasa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mahahanapan agad ng solusyon ang kinahaharap na problema ng immigration lalo’t nagsisimula nang dumagsa ang mga pasahero sa paliparan dahil sa papalapit na Semana Santa
Magugunitang nahaharap sa demoralisasyon ang hanay ng immigration makaraang harangin ni Pangulong Duterte ang pagbabayad sa kanilang overtime pay na ayon sa palasyo ay labag na sa batas
By: Jaymark Dagala