Pinawi ng Department of Justice (DOJ) ang pangamba ng online news site na Rappler sa isinasagawang imbestigasyon nito hinggil sa umano’y paglabag nito sa Saligang Batas ukol sa foreign ownership.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dapat pa nga aniyang ikalugod ng Rappler ang naging hakbang dahil pagkakataon na aniya itong mapatunayan na mali ang paratang laban sa kanila.
Kasunod nito, umapela si Aguirre sa Rappler na sa halip na batikusin ay dapat makipagtulungan na lamang ito sa mga awtoridad upang malaman ng publiko ang katotohanan sa likod ng usapin.
Magugunitang ipinag-utos ni Aguirre sa NBI na siyasatin at gumawa ng case build-up hinggil sa umano’y paglabag ng Rappler na tinawag namang fishing expedition at tila panggigipit sa press freedom ng naturang news site.