Nagbitiw si Markk Perete bilang tagapagsalita at undersecretary ng Department of Justice (DOJ).
Ito ang kanyang kinumpirma sa pahayag na ibinigay sa mga miyembro ng media.
Ani Perete, makaraang pag-isipang mabuti ang desisyon, ay napasyahan niyang magbitiw sa pwesto epektibo ngayong araw, ika-1 ng Oktubre, dahil sa aniya’y ‘serious reasons’.
Sa huli, nagpasalamat si Perete sa mga nakatrabaho niya sa ahensya, at nanawagan din sa publiko na unawain ang kanyang ‘personal’ na pasya.
Nauna rito, inappoint ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Perete noong 2018 bilang tagapagsalita ng ahensya.