Walang plano ang Department of Justice na pigilan ang official business trip ni Senador Leila De Lima sa Estados Unidos at Germany simula ngayong araw na ito, December 11 hanggang 22.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ito’y dahil wala namang Hold departure Order laban sa Senadora.
Idinagdag pa ni Aguirre na nagsumite si De Lima sa DOJ ng travel authority mula kay Senate President Koko Pimentel bilang katibayan na mayroon itong official travel.
Una nang naglabas ng lookout bulletin ang DOJj laban kay De Lima sa isyu ng pagtanggap ng drug money at pagkakasangkot sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
By: Mheann Tanbio