Isa pang doktor ang nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nagluluksa ang Asian Hospital and Medical Center sa pagpanaw ni Dr. Mary Grace Lim na anila’y isang great patient safety advocate.
Ayon sa ospital, si Lim ang naging instrumento para sa ikatlong joint commission international reaccredidation ng Asian Hospital.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang ospital sa naiwang pamilya ni Lim na nakatalaga emergency medicine and quality management department ng Asian Hospital.