Sumakabilang buhay na si Dr. Liang Wudong, ang doktor na isa sa mga nagsisilbing frontliners na gumagamot sa mga nagkakasakit dulot ng novel coronavirus sa Wuhan City sa China.
Batay sa ulat, pumanaw ang 62 taong gulang na doktor, siyam na araw matapos mahawaan ng coronavirus mula sa kaniyang ginagamot na pasyente.
Dahil dito, si Dr. Wudon ang kauna-unahang kaso ng pagkasawi sa hanay ng mga nasa medical profession bunsod ng nasabing sakit.
Si Dr. Wudon ay isang surgeon sa Xinhua Hospital sa Hubei Province na siyang itinuturing na ground zero o pinagmulan ng kontrobersiyal na virus.