Hinimok ng isang mambabatas ang Professional Regulation Commission o PRC na tanggalan ng lisensiya ang mga doktor ng Philippine Military Academy Station Hospital na sumuri kay Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin, malinaw na nagkaroon ng administrative, professional, civil at criminal liabilities ang mga doktor ng PMA Station Hospital kasunod naman ng maling diagnosis sa nasawing kadete.
Aniya, maililigtas sana si Dormitorio kung naging maayos ang ginawang pagsusuri dito.
Magugunitang, ilang beses pang isinugod sa PMA Station Hospital si Dormitorio bago ito nasawi noong Setyembre 17.