Mas mainam na ihanda ang mga bata na magbalik eskuwela kaysa magtungo sa mga mall.
Ito ang inirekomenda ni Dr. Cynthia Cuayo-Juico ng Philippine Pediatric Society kasunod ng ulat na may isang batang nagpositibo sa COVID-19 ilang araw matapos nitong magpunta sa mall.
Aniya, maaaring dalhin rin ang mga bata sa mga kaanak, kapitbahay, mga kabigan o sa mga park at sanayin ang mga ito sa tamang paggamit ng face mask at iba pang protocols.
Iminungkahi rin ni Juico na muling pag-aralan ang polisiya sa pagpayag sa mga bata sa mga mall. —sa panulat ni Hya Ludivico