Kalusugan ang isa sa pinaka-iniingatan at inaalala ng bawat magulang sa kanilang mga anak. Pero, ano ang gagawin mo kung ang doktor na mag-oopera sa anak mo ay nanonood lamang ng YouTube tutorials habang nag-oopera?
Katulad na lang ng nangyari sa isang pamilya sa India.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Dinala ang isang 15-year old na lalaki sa isang ospital sa Saran District, Bihar dahil sa nararamdamang sakit ng tiyan at pagsusuka.
Nakatulong naman sa lagay ng bata ang pag-admit sa kanya sa ospital dahil tumigil din ito sa pagsusuka.
Ngunit, sinabi raw ng doktor na si Ajit Kumar Puri na kinakailangang operahan ang bata.
At kahit walang consent ng pamilya ng pasyente, itinuloy pa rin ng doktor ang operasyon.
Ang resulta nito, imbis na makabuti ay lumala pa ang lagay ng bata!
At nang tanungin naman ng pamilya ang doktor kung bakit ganoon ang nangyari matapos ang operasyon ay sinagot sila nito ng, “Kayo ba ang doktor o ako?”
Sinubukang iligtas ang bata sa pamamagitan ng CPR ngunit matapos nito ay napagdesisyunan ng doktor na ilipat ang bata sa isang ospital sa Patna ngunit binawian din ito ng buhay habang nasa byahe.
Ang masaklap pa rito ay iniwan na lang daw ang katawan ng bata sa hagdan ng ospital bago tumakas ang doktor.
Inakusahan naman ng pamilya na ang doktor ay nanonood ng youtube tutorials kung paano magtanggal ng gallbladder stones habang isinasagawa ang operasyon.
Sinampahan na ng reklamo at tinutugis ang doktor at ang kanyang staff habang ang ibang pasyente sa nursing home ay naiwang abandunado matapos umalis ng mga staff.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa kalunus-lunos na kwentong ito?