Nilinaw ng pahayagang The New York Times na wala silang balak siraan ang pamahalaan ng Pilipinas sa inilabas nilang dokumentaryo.
Ito’y makaraang pumalag ang Malacañang sa inilabas na dokumentaryo ng pahayagan na tumutuligsa sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Andrew Glazer, producer ng dokumentaryong “When A President Says, I Will Kill You” itinanggi nitong isang uri ng demolition job ang kanilang ginawa.
Giit ni Glazer, nais lamang nilang ipakita ang panig ng mga biktima gayundin ang mga nakaligtas sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
Sa katunayan aniya, nakikipag-ugnayan sila sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency upang makakalap ng mga datos sa kanilang binubuong dokumentaryo.
By Jaymark Dagala