Ipinag-utos na ng Commission on Audit sa Department of Public Works and Highways ang agarang pagsu-sumite ng mga dokumento nito kaugnay sa ginastang 20.3 billion pesos noong 2023.
Ayon sa COA audit report, iba’t ibang DPWH offices ang nakinabang sa mahigit 20.3 billion pesos kung saan mahigit siyam na bilyong piso ay napunta sa Cordillera Administrative Region para sa mga infrastracture projects.
Pangalawa sa may pinakamalaking nakuha sa nasabing halaga ang DPWH-Region 5 na mayroong limang bilyong piso na sinasabing ginamit para sa paggawa ng mahigit limampung proyekto.
Binatikos ng COA ang mga nasabing transakyon dahil sa kawalan ng tama at kumpletong mga dokumento tulad ng backup computation, delivery receipt, official receipt at iba pang certification at permits. – Sa panualt ni Laica Cuevas