Hindi pa umano nahahanap nina Pharmally Executives Linconn Ong at Mohit Dargani ang mga kahon kahong dokumento may kaugnayan sa financial statements ng nasabing kumpanya.
Ibinunyag ito ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA) ng senado matapos ipag-utos ng mataas na kapulungan ang paglipat kina Ong at Dargani sa Pasay City Jail.
Ayon kay Senate Sergeant at Arms Retired Major General Rene Samonte na naka hold pa ang pagtungo sa Pasay City Jail ng dalawang opisyal ng Pharmally matapos magbigay si Dargani ng mga posibleng lugar kung saan makukuha ang mga kahong naglalaman ng financial documents ng kumpanya.
Sinabi ni Samonte na pinatitiyak niya kay Dargani kung alam nitong puntahan ang lugar kung saan naruon ang kahon kahong dokumento na kinabibilangan ng opisina, bahay at bodega.