Mahalaga ang magiging papel ng mga dokumento na magmumula sa Bureau of Immigration and Deportation kaugnay ng disqualification case laban kay Senadora Grace Poe.
Ito ang sinabi ng isang legal expert na nakapanayam ng DWIZ Patrol at pinasyang huwag nang magpabanggit ng pangalan.
Aniya, kung susundan kasi ang desisyong inilabas ng Korte Suprema hinggil sa kaso ni Kauswagan Lanao del Norte Mayor Rommel Arnado ay posibleng madiskwalipika rin si Poe.
Ayon kasi sa korte, hindi pa ganap na na-renounce ni Arnado ang kaniyang American citizenship matapos mapatunayan na ginamit pa rin nito ang kaniyang foreign passport.
Kaugnay nito, sinabi ng legal expert na kung ganito rin ang ginawa ni Poe ay tiyak aniya na mawawalan ng saysay ang kandidatura nito sa 2016 Presidential elections.
By Allan Francisco | Bert Mozo (Patrol 3)