Inaayos na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang dokumento ng apat na Pilipino sa Taiwan na nakaligtas sa salpukan ng dalawang barko sa Pacific Ocean.
Ito’y matapos hindi na nagawang sagipin ng mga Pinoy ang kanilang mahahalagang papeles tulad ng Passport at Seamans book nang lumubog ang sinasakyan nilang barko.
Una nang nanawagan ang mga biktima sa Department of Foreign Affairs at sa OWWA para mapabilis ang kanilang Exit VISA at nang makauwi na ng Pilipinas.
Tumugon naman dito ang dalawang kagawaran kasabay ng pagtiyak na mapoproseso ang naturang dokumento sa lalong madaling panahon.
Ang apat na Pilipino ay kabilang sa 31 Korean Reefer na sakay ng barkong nabangga ng Taiwan vessel sa pagitan ng Papua New Guinea at Solomon Island.
Nakaligtas naman ang lahat ng sakay nito at nasa maayos nang kalagayan.