Nagpalabas na ng direktiba si Labor Secretary Silvestre Bello III kaugnay sa mga balik manggagawa sa Kuwait.
Ito ayon kay Bello ay dahil maraming Overseas Filipino Workers o OFWs ang nakiusap sa kanila na makabalik sa Kuwait kasunod ng mga naiwang responsibilidad sa kanilang employer doon o kaya naman ay magsisimula ng panibagong kontrata.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na mahigpit ang pagsala nila sa mga dokumento ng mga balik manggagawa dahil karamihan sa mga ito ay peke.
“Nag-usap kami ng OWWA officials at gumawa kami ng mekanismo na maiwasan yung mga pekeng papeles na ‘yan, with the assurance na ma-prevent natin yung mga pekeng balik manggagawa ay nag-isyu po ako ng panibagong order na binibigyang exception doon sa total ban, halimbawa yung mga nandoong nagtatrabaho na gustong umuwi at magbakasyon ay puwede na silang makabalik, o kaya yung mga nasa bakasyon dahil patapos na ang kontrata nila pero meron silang bagong kontrata, the same employer, sila po ang mga exception doon sa total deployment ban.” Pahayag ni Bello
(Ratsada Balita Interview)