Kinumpirma ni Northern Police District Director Chief Superintendent Roberto Fajardo na nagmula nga sa SIB o Station Intelligence Branch ng Valenzuela Police Station ang kumalat na dokumento sa social media.
Ito ay may kaugnayan sa memorandum mula sa Valenzuela Police Station na nagsasaad ng planong pag-atake ng Maute Group sa ilang mall sa Metro Manila.
Gayunman, sinabi ni Fajardo na ang nilalamang impormasyon ng nasabing memorandum ay hindi pa beripikado at patuloy pa nilang iniimbestigahan.
Paliwanag pa ni Fajardo, kaya ito galing sa SIB ay dahil nagsasagawa pa sila ng counter checking sa natanggap na intel information.
Una nang ipinag-utos ni NCRPO o National Capital Region Police Office Director General Oscar Albayalde ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa document handling process ng Valenzuela Police Station dahil sa pagkalat ng nasabing dokumento.
By Krista De Dios