Umaasa si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na magbabago pa ang ihip ng hangin para sa pamahalaan upang ganap nang makamit ang pangmatagalang kapayapaan.
Iyan ang inihayag ni Dureza makaraang ilabas na nito ang dokumento hinggil sa pormal na pagkakansela ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Partido Komunista ng Pilpinas.
Iginiit ni Dureza na napilitang tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks dahil sa sunud-sunod na pag-atake at pagpatay ng mga rebelde na anito’y malinaw na isang uri ng pagsuway sa hakbang ng pagkakasundo.
Kasunod nito, nagpahayag ng panghihinayang si Dureza sa naging desisyong ito ng Pangulo dahil malayo na aniya ang narating ng pag-uusap mula nang buksan nila ito noon pang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
—-