Ipinagtanggol ng Malacañang ang ipinalabas na video documentary patungkol sa West Philippine Sea.
Ito’y matapos magalit ang China at akusahan ang Pilipinas na umaaktong biktima sa isyu ng mga pinag-aagawang teritoryo.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, layon ng documentary na mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa aspeto ng kasaysayan, ekonomiya, at legalidad ng isyu upang maunawaan kung bakit hindi dapat angkinin ito ng China.
Binigyang-diin ni Coloma na ang dokumentaryo ay para sa mga Pilipino at inaasahan na nilang hindi sasang-ayon ang ilan sa nilalaman at paraan ng presentasyon ng video documentary.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)