Magdaraos ng job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilang panig ng bansa katuwang ang Department of Tourism (DOT).
Ito ay para mapalakas hospitality industry at tourism sector sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, gaganapin ang job fair sa Setyembre 22 hanggang 24 na may temang “Trabaho Turismo Asenso”.
Tututukan ng aktibidad ang mga lugar sa Metro Manila, Cebu at Davao na nakitaan ng kakulangan sa bilang ng manggagawa sa nasabing industriya.
Sinimulan na ng DOLE na makipag-ugnayan sa Philippine Hotel Owners Association upang matukoy ang mga bakanteng posisyon.