Binawi ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pansamantalang deployment ban ng Overseas Filipino Workers o OFW sa Saudi Arabia.
Ito’y makaraang sabihn ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dahil sa Official Communication mula sa pamahalaan ng Saudi na sila na ang sasagutin na ng foreign employers at ilang agencies ang health at quarantine fees ng mga OFW.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin si bello, kung saan iniisip lamang nito ang kapakanan ng mga OFW sa naturang bansa.
Inatasan na rin ni Bello sa Philippine Overseas Employment Administration na agad ipatupad ang lifting deployment ban.
Bukod dito, agad rin ibibigay ni Bello ng clearance ang mga Filipino workers para makapagbiyahe na ang mga ito.
Magugunitang nagpalabas ang DOLE ng Deployment ban dahil sa inilabas na hindi malinaw na guidelines ng mga employer sa Saudi Arabia noong ika-27 ng Mayo.