Ibinasura ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang hirit ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althwaikh na tanggalin na ang ipinatupad na deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers o OFW sa kanilang bansa.
Ito’y makaraang suspindehin ng DOLE ang paglalabas ng Overseas Employment Certificate sa lahat ng mga bagong aplikante na magtutungo sana sa Kuwait matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng deployment ban dito.
Ayon kay Bello, kaniyang sinabi kay Althwaikh na kailangan niya munang makita ang resulta ng lahat ng mga ginawang imbestigasyon hinggil sa umano’y pang-aabuso at pagkamatay ng mga Pinoy sa Kuwait.
Nakatakda rin aniya siyang magbuo ng isang rapid reaction team upang busisiing maigi ang sitwasyon ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.
—-