Posible nang payagan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mahigit 600 skilled workers na makabiyahe patungong Kuwait.
Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng mga development sa kasong pagpatay sa OFW na si Joanna Demafelis.
Sinabi ni Bello na pinag-aaralan na nilang irekomenda sa Pangulong Rodrigo Duterte ang partial lifting ng deployment ban sa Kuwait matapos ang hatol na bitay sa mga employer ni Demafelis at inaasahang pagpirma ngayong linggo ng dalawang bansa sa memorandum of understanding na magbibigay proteksyon sa mga OFW sa Kuwait.
Matatandaang nanindigan ang Malacañang na mananatili pa rin ang deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait.
Ayon kay Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, kailangan munang pumirma ng gobyerno ng Kuwait sa kasunduan na titiyak sa kaligtasan ng mga OFW sa nasabing bansa.
—-