Bumuo na ng team ang DOLE o Department of Labor and Employment na tututok sa Senior High School (SHS) students o K-12 senior na isasalang sa work immersion.
Ang work simulation ay bahagi ng SHS Curriculum na nagtatakda ng hanggang 80 oras na hands on experience na kailangang kunin ng Grades 11 at 12 para maranasan ang aktuwal na trabaho.
Nilinaw ng DOLE na ang nasabing work immersion ay ginagawa para mapagtibay ang K to 12 Program na ilantad sa actual workplace setting at maging competent ang SHS ang mga senior high school students.
Batay sa labor advisory, ang work simulation ay itinakda ng 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon habang 4 na oras lamang ang itinakda sa mga estudyanteng 15 taong gulang pababa at may permiso mula sa kanilang mga magulang o guardian.
By Judith Larino