Sinuspinde na ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang operasyon ng central at regional offices nito sa Metro Manila.
Alinsunod sa memorandum ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang temporary closure simula ngayong araw hanggang Martes, January 18 dahil pa rin sa tumataas na COVID-19 cases sa kagawaran.
Ayon kay Bello, umabot na sa 128 opisyal at staff ang COVID-19 positive o 21% ng 600 personnel ng DOLE Central Office.
Ipinag-utos din ng kalihim sa mga DOLE office at attached agency na magpatupad ng alternative work arrangements, kabilang ang work from home hanggang Enero 30.
Gayunman, hindi kasama sa flexible work arrangement ang mga personnel sa Office Of The Secretary, Undersecretaries and Assistant Secretaries at Office Of The Directors.