Dinoble na ng DOLE o Department of Labor and Employment ang ibinibigay nitong ayuda para sa mga mahihirap na manggagawa.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa ilalim ng Department Order 173, ang dating P10,000.00 inilaan ng DOLE Integrated Livelihood Emergency Program, ay itataas na sa P20,000.00.
Kabilang sa mga makikinabang sa kautusan ay ang mga marginalized workers katulad ng mga self – employed, mga magsasaka, mga nawalan ng trabaho, mga magulang ng mga batang trabahador ay maging ang mga nasa micro, small and medium enterprises.
By Katrina Valle |With Report from Aya Yupangco