Idinipensa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban na ipinataw sa Micronesia.
Ito ay sa kabila ng reklamo ng ilang mga ofw na hindi nakaalis matapos na maipit sa ipinatupad na deployment ban.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, nag deklara ng ban si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia dahil sa ulat na maraming mga health workers duon ang higit anim na buwan nang hindi pinapasweldo.
Umapela si Bello ng pang unawa sa mga apektadong OFW at sinabing nakikipagugnayan na sila sa gobyerno ng Micronesia na maayos ang problema para mabawi na ang ban.
“Inaasahan naming na hindi magtatagal dahil meron naman negotiation with Department of Foreign Affairs (DFA) atsaka gobyerno ng Micronesia na kung maari ay babayaran ang mga swedo ng ating mga mangagawa, kawawa naman sila.” Pahayag ni Bello.