Dumistansya ang Department of Labor and Employment sa pag-usad sa senado ng panukalang P100 umento sa sahod
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi pwedeng pangunahan ng DOLE ang kongreso sa talakayan nito sa dagdag sahod ng mga manggagawa.
Ayon kay Secretary, ang tanging magagawa nila sa pamamagitan ng wage board ay ang pagbibigay ng technical inputs.
Bukod dito ipinasa rin ni Laguesma sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagtalakay sa epekto ng dagdag sahod dahil sa mas nakikita ng kagawaran ang buong sitwasyon kasama na ang epekto ng pagtaas ng sahod sa presyuhan at ekonomiya. – sa panunulat ni Jeraline Doinog