Gagamitin ng DOLE ang bahagi ng emergency employment fund nito para ma-ayudahan ang mga manggagawang pansamantalang mawawalan ng trabaho dahil sa muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bell,III, ipinag utos na niya ang paggamit sa nalalabing pondo ng tupad o tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers program para sa manggagawang madi-displace sa formal sector sa loob ng dalawang linggong ECQ.
Ipinabatid ng DOLE na mayroon pang P4-B na nalalabing pondo sa ilalim ng tupad program.
Kasabay nito, hiniling din ni Bello sa DBM ang P2-B supplemental budget para palawigin ang assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program na camp o COVID-19 Adjustment Measures Program ng DOLE.
Ang camp ay nagbibigay ng P5,000 financial assistance sa mga apektadong manggagawa sa mga establishment na nag adopt ng flexible work arrangements sa ilalim ng ECQ.