Hinimok ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang Department of Labor and Employment na gawing mandatory ang pagpapabakuna sa mga economic frontliners at maging sa mga nagtatrabaho sa labor-intensive industries para sa ligtas na pagbubukas ng ekonomiya.
Ayon kay Concepcion, lumiham na siya kay Labor Secretary Silvestre Bello III tungkol sa kanyang proposal na obligahing magpabakuna ang mga manggagawa sa hotel, turismo, restoran, retail & personal care services, at maging ang mga nasa hanay ng construction, automotive, wearables & manufacturing, electronics & semiconductors at business process outsourcing.
Ipinaliwanag din ni Concepcion ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa harap na rin ng unti-unting pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Bilang tugon, sinabi naman ni Bello na pag-aaralan pa nila ang mungkahi ni Concepcion.