Gumawa na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bersyon nito ng panukalang pagtatayo ng Department of Overseas Filipino Workers.
Inilatag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagdinig ng Kamara ang nilalaman ng kanilang bersyon ng nsabing panukala.
Ayon kay Bello sa matagal na panahon ay hindi nabigyan ng papel ang DOLE sa pgtatayo ng OFW department gayung isa ito sa mga maaapektuhang ahensya kapag naisulong ang Department of Overseas Filipino Workers.
Layon aniya ng kanilang bersyon na maipakita ang suporta sa panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte at matiyak ang patuloy na proteksyon at pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng migrant workers at mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa ilalim ng bersyon ng DOLE ang Department of OFW ay pangungunahan ng isang kalihim na tutulungan ng apat na undersecretaries at apat na assitant secretaries samantalang magsisilbing attached agencies nito ang POEA, OWWA at National Reintegration Center for OFW’s (NCRO).