Nakahanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa posibleng kaguluhang idulot ng tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na mayroon silang mga contingency plan gaya ng posibleng repatriation sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan partikular sa Saudi.
Sa ngayon aniya ay nakaantabay pa sila sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa ngayon kasi ay hindi pa naman itinataas ng DFA ang crisis alert sa Saudi kaya’t wala pang pangangailangan sa pagpapatupad ng deployment ban.
Batay sa tala ng DOLE, aabot sa mahigit 500,000 OFW ang nasa Saudi.
“Naghihintay lang po kami ng kung anuman po ang inaasahan po ng DFA na gagawin po ng DOLE under one country team approach, ang head ng mission po nila, who is the ambassador yun po talaga ang susundan ng aming mga labor officer, meron po kami sa Riyadh, meron po sa Al-Khobar, meron po sa Jeddah na opisina po ang DOLE.” Pahayag ni Baldoz.
By Ralph Obina | Ratsada Balita