Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa buong bansa na magbigay ng dagdag na leave credits sa mga empleyado kasunod ng COVID-19 outbreak.
Ayon kay Marcos Valeros ng DOLE bureau of working conditions, posibleng ikonsidera ng mga employer ang pagbibigay ng 14 – day leave with pay sa mga empleyado bukod pa ito sa kanilang sick at vacation leave.
Lalong lalo na aniya sa nga empleyadong ang klase ng trabaho ay may malaking exposure sa COVID-19 gaya nalamang ng mga manggagawa na kinakailangang magtungo sa mga lugar na mayroong positibong kaso ng nasabing sakit batay na rin sa pangangailangan sa kanilang trabaho.
Samantala, ipinauubaya na ng DOLE sa mga employer ang pagdedesisyon sa pagsususpendi ng trabaho sa mga lugar na apektado ng COVID-19.
Gayundin aniya ang paglilinis at madi-disinfect sa mga lugar ng pag gawa upang maging ligtas sa mga manggagawa.