Humihingi ng karagdagang pondo ang Department of Labor And Employment (DOLE) para sa isinusulong na programa sa wage subsidy sa manggagawang naapektuhan ng COVID-19 pandemic, ngayong taon.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, ipinadala na ni Labor Secretary Silvestre Bello ang naturang kahilingan kay budget secretary wendek avisado.
Aniya, walang nakaloob na pondo sa 2021 General Appropriations Act para sa wage subsidy program na tinatayang aarangkada sa loob ng tatlong buwan.
Masasakop sa naturang programa ang 25% hanggang 75% ng average na buwanang sahod ng mga manggagawa.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Trade and Industry, nasa 1.6 million pang mga Filipino ang hindi pa rin nakababalik sa trabaho dahil may ilan pang industriya ang hindi pa rin pinahihintulutang magbukas muli.