Humihirit ng karagdagang 1.1 Bilyong piso ang Department of labor And EMployment sa panukalang 2018 budget nito.
Ayon kay labor secretary Silvestre Bello the Third, gagamitin ang additional fund para sa repatriation at reintegration ng mga o.f.w. Sa qatar, lebanon at Saudi Arabia.
Mayroon anyang contingency plan ang kanilang mga Labor Attaché na maaaring ipatupad sa oras na lumala ang sitwasyon lalo sa mga nabanggit na bansa.
Tinatayang 241,000 ang mga dokumentong Filipino sa Qatar pa lamang.
Ipinunto ni Bello na hindi basta maaaring pabayaan ng DOLE ang mga OFW sa mga naturang bansa kaya’t kailangang mabigyan sila ng financial at livelihood Assistance kung sumiklab ang kaguluhan.