Nanawagan ang Department of Labor and Employment o DOLE sa pamahalaan na ibaba na ang quarantine status sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Ito’y batay sa inilabas na datos ng DOLE na nasa 8,000 manggagawa ang naapektuhan ang trabaho noong magsimula ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa NCR plus bubble.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kung palalawigin pa ang ECQ sa bansa maaaring madagdagan ang mga mawawalan ng trabaho.
Dahil dito, patuloy na nagbibigay ng P5,000 ang dole sa mga nawalan ng trabaho sa bansa.—sa panulat ni Rashid Locsin