Inaasahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtaas ng unemployment rate sa bansa sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kasunod na rin ito ng report ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa maituturing na record high unemployment rate na 17. 7% o katumbas ng 7.3-M mga Pilipinong walang trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III nagdulot talaga ng krisis sa ekonomiya ang COVID-19 pandemic kung saan dahil sa pagpapairal ng community quarantine ay napakaraming establishment ang napilitang magsara pansamantala o kaya’y magpatupad ng flexible work arrangements.
Milyun-milyon aniyang manggagawa sa formal at informal sectors ang naapektuhan ng global health crisis.
Subalit tiwala si Bello na makaka recover na rin ang labor market dahil unti-unti nang nakapagbubukas ang mga kumpanya.