Inatasan na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang regional and tripartite wage boards na talakayin at pag-aralan ang di magandang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law sa mga ordinaryong manggagawa.
Ginawa ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang pahayag sa gitna ng mga wage increase petitions na resulta ng implementasyon ng pahirap na Tax Reform Law.
Pahayag ni Bello, maliban sa wage boards, kukonsultahin din nila ang mga labor groups kaugnay sa di magandang resulta ng TRAIN law.
Aminado si Bello na mayroong rason upang talakayin ang epekto ng TRAIN law sa labor industry dahil narin sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga produktong petrolyo.