Ipinauubaya na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamahalaan ng Taiwan ang deportation sa Overseas Filipino Worker (OFW) na di umano’y nagpost sa social media ng mga paninira sa pamahalaan at sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, agad kakasuhan ang OFW pagdating nito sa Pilipinas.
Batay anya sa report sa kanya ng labor attaché sa Taiwan na isang dating piskal, maliban sa libelous ay maituturing na seditious ang mga posts ng OFW.
Nakausap na anya ng labor attaché’ ang Pinay at nangako itong magpublic apology sa pangulo subalit hindi naman nya ginawa.
Sa ngayon anya ay patuloy ang ginagawa nilang pag-background check sa PFW dahil marami anya itong identity sa social media.
Sabi niya roon, sasampalin niya raw ang Presidente. You can do anything you want, if you do not agree with the political decisions of your government, you can criticize it, pero kailangan, do not abuse your right to freedom of speech,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas